‘Manual’ ng mga guro inihahanda na para sa pagsasa-bansa ng K to 12 Learning Materials

posted in: Uncategorized | 0

Nancy Ibo Mediavillo

LUNGSOD NG LEGAZPI — Sinimulan na ang pagbuo ng manual ng mga guro sa buong bansa para sa K to 12 curriculum ng Department of Education ukol sa pagbabago ng klima at mga panganib na dala ng mga natural na kalamidad sa buong bansa. Pinapangasiwaan ito ng tanggapan ni Albay 2nd District Congressman Joey Sarte Salceda at ang may akda nito ay ang Local Climate Change Adaptation for Development o LCCAD sa pamumuno ni Executive Director Nong C Ranggasa.

Ang mga napiling guro sa Alba yang siyang mga nag ambag ng kanilang karunungan sa pagsusulat ng mga nilalaman ng mga librong ito para ilimbag ng LCCAD, Katulong ang Department of Education, mga lokal na pamahalaan at ibang ahensiya ng gobyerno sa buong Pilipinas.

Sa Albay, ang aktibidad ay dinaluhan ng mga guro mula apat na dibisyon ng Department of Education sa Albay, Legazpi, Ligao and Tabaco.

Inilalahad sa aklat ang mga kaalaman ukol sa Climate Change Adaptation and Disaster Risk reduction and vulnerability o CCA/DRVR. Gayundin ang creativity, consciousness at motivational tools sa piling mga asignatura, gaya ng Araling Panlipunan, English, Mathematics, Filipino and Science mula Grades 2 hanggang Grade 11 sa ilalim ng bagong Philippine Education curriculum.

Matapos ang kaukulang proseso at maisa-penal ang pagbuo ng aklat o Learning Materials. Ang mga aklat ay ibabahagi sa mga paaralan sa buong bansa ayon kay Ginoong Nong Ranggasa.

Sinabi naman, ni Congressman Salceda ang proyekto ay hinggil sa “Mainstreaming Climate Change Adaptation integration sa Philippine Education Curriculum. Sinimulan ito sa walong libong guro sa mga pampublukong paaralan sa buong Albay noong 2011 hanggang sa kasalukuyan.

Tinuran pa ng mambabatas, tugon din ito ng kanyang tanggapan sa paglagda ni Pangulong Duterte sa Paris Agreement ukol sa Climate Change Adaptation, the Sendai Framework for Disaster Risk Reduction and Vulnerability o DRVR at Sustainable Development Goals.

“Ang dating pasimuno ng Albay sa CCA/DRVR integration sa curriculum ay mapapalawak na sa ngayon dahil sa K to 12 curriculum na magmumula din sa Albay at ipapakalat na sa buong Pilipinas,” ayo pa kay Salceda.##

Leave a Reply